roberrrt ([info]roberrrt) wrote,
  • Mood: wakanamputs.
  • Music: tunog ng electric fan

77%

kanina, nanuod ako ng laban ng UP at Ateneo.. olats na naman UP.. sa totoo lang, nahihiya ako sa lahat ng atenistang nagbabasa nito ngayon.. kasi masyado kaming nagyabang.. olats tuloy.. haha.. pero friends parin tayong lahat ah.. ;P haha.. di bale, babawi kami sa next round.. hahaha..

nung thursday, binigay yung results nung math at philo long exams.. ~80% ako dun sa parehong exam.. actually, 77% sa math, pero i round-off na natin.. kung nasa pisay pa ako ngayon, masaya na siguro ako.. pero hindi e.. ngayon, ang 80% ay mababa na para sakin.. epekto na siguro pag sobrang gc ng mga kaklase mo.. sila, ang mga sinasabi "sayang, 1% nalang, uno na.." in tones na parang kunwari ang baba ng nakuha nila pero in actuality nagmamayabang na.. ok lang naman sakin yun kasi may karapatan din naman silang gawin yun.. pero paminsan nakakadegrade talaga.. pang ilang beses ko nang sasabihin to, pero namimiss ko talaga ang photon.. at strontium na din.. kung saan ok lang na magyabang ng score mo dahil bihira at talagang hard-earned naman 'yon.. walang tunay na nagyayabang, biruan lang..

walang perfectionist.

wala akong galit sakanila.. ganun talaga e.. i just have to adjust to them.. kahit 77% lang ang nakuha ko sa isang test, kung alam ko naman na binigay ko na ang lahat, parang naka-perfect na din ako.. :D

  • Post a new comment

    Error

    Your IP address will be recorded 

  • 9 comments

[info]nardo_tarantado

July 30 2005, 14:07:39 UTC 6 years ago

GO ATENEO!

haha. peace tayo robert. pero nice game talaga. nagkataon lang na mainit ateneo. ehehe.

[info]roberrrt

August 1 2005, 08:27:02 UTC 6 years ago

onga.. chamba boy si intal.. kung di dahil sa kanya.. tsk.. sayang..

U-NIBERSIDAD NG PILIPINAS!!!

[info]zawzawzuka

July 30 2005, 17:00:41 UTC 6 years ago

eherm..

sa totoo lang, nahihiya ako sa lahat ng atenistang nagbabasa nito ngayon.. kasi masyado kaming nagyabang.. olats tuloy..

akala mo kung sinong atenista eh no. UP side naman. HAHAHA :D

tsk tsk. the nerdax environment. go tots. :P

[info]roberrrt

August 1 2005, 08:30:13 UTC 6 years ago

haha.. onga.. pero naaliw ako dun sa sinabi mo sa blog mo..

peyups stole my heart away

haha.. parang ginawang romantic yung basketball.. hehe.. :D

[info]zawzawzuka

August 4 2005, 02:12:32 UTC 6 years ago

anu berr, romantic nga ako eh.

pwe.

[info]reypinmoko

July 31 2005, 03:52:19 UTC 6 years ago

robert pinapatawad ka namin. hahaha. kita kita sa final four. :)

chong mas malubha ng bahagya ang math ko kesa sayo. at oo ganyang ganyan din ang nararamdaman ko.

i shall rise from the ashes. mwahaha.

[info]roberrrt

August 1 2005, 08:33:03 UTC 6 years ago

amen.

Anonymous

July 31 2005, 16:36:46 UTC 6 years ago

tots! namimiss ko na rin ang photon. sobra. miss na miss ko na ang mga hiritan tuwing klase. sa class namin may isang guy na sobrang kaboses mo. medyo irita nga lang dahil tuwing lalapitan ba naman ako halos wala nang ibang lumabas sa bunganga nya kundi mga tanong na may kinalaman sa acads.(-.-)

-carla

[info]roberrrt

August 1 2005, 08:32:34 UTC 6 years ago

o?.. haha.. ayus ah.. pero sure akong hindi nun matatapatan ang aking face value.. hahaha.. deh joke..
Create an Account
Forgot your login or password?
Facebook Twitter More login options
English • Español • Deutsch • Русский…